Wednesday, June 23

Pangarap

Salamat sa pagtupad ng isang pangarap. Saglit man, ramdam ko na tunay. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong may nagmahal sa akin nang lubusan at totoo. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagmahal ako nang lubusan at totoo.

Maraming bagay ang hindi ko makakalimutan. Mga sandaling nakatatak na sa pagkatao ko. Mga sandaling kailanman ay hindi mabubura ng panahon.

Sa bawat yakap at halik na pinagsaluhan natin, sana'y maalala mo na may isang taong nakabantay sa iyo, naghihintay, nangungulila, nalulumbay.

Gusto kitang ipaglaban ngunit kahit ang pagkakataon ay tutol.

Iwaksi ko man nang pilit, patuloy pa ring ginigising ng puso ko ang pag-aasam na sana balang araw, magkasama pa rin tayo. Sa kailaliman ng gabi, kaagapay ng pagtulog na sa ngayo'y ako'y nilisan, ikaw ang iniisip ko, ikaw ang nasa puso ko.

Kailangan kong maging matatag, gayon din ikaw. Kahit pa hindi ko alam kung papaano, pipilitin kong subukan. Naliligaw man ang puso ko, ang isip ko, ang pagkatao ko, pipilitin kong subukan.

Mahal na mahal kita. Sobra sobra... higit pa sa alam mo.

7 comments:

  1. Aylabyutu. Haha. Sinetch ba itey, Darc?

    ReplyDelete
  2. hmm... curious ako kung sino to ha...

    -geek

    ReplyDelete
  3. tagos sa puso naman ito :(

    *hugs*

    ReplyDelete
  4. oh broken hearted agad?bago ko palang malalaman na nagka bf ka e,sana maging ok kayo in the near future kung di man ngayon,be strong!

    ReplyDelete
  5. ..this shall pass. steady ka lang.

    ReplyDelete