Wednesday, September 5

Cheated

Grabe po ang lungkot at pagkadismaya na nadama ko sa ginawa ni Senador Sotto. Parang buong pagkatao ko ang nainsulto, ang trabaho at ang dignidad na ikinakabit ko sa aking trabaho.

Para sa mga kaibigang nakakaalam ng trabaho ko, sana maunawaan niyo kung gaano nakakasuka na may isang mambabatas at mga manunulat nito na magnanakaw ng ideya ng ibang tao at walang habas na sasabihing ayos lang iyan. Wala na ngang mga utak, arogante pa.

Ang pasasalamat ko na lang sa mga pangyayaring ito ay muli, ako ay naiyak. Tito Sotto, ang kawalang-hiyaan mo lang pala ang makakapagpaiyak sa akin. Salamat. At kaakibat ng pasasalamat ko ang taimtim na hiling na nawa'y kamuhian ka, sampu ng mga manunulat at mananaliksik mo, ng sambayanang maulit na ninyong kinutsa at minaliit ang talino.

Mga hambog. Mamatay na kayo!

4 comments:

  1. It's bad to wish for someone's death even if we think that person deserves it :D Hehe. But he needs to straighten up though. Isa siyang kahihiyan sa sambayanang Pilipino.

    ReplyDelete
  2. i agree. if you will use someone's work for any purpose, a little acknowledgement won't hurt. right? ang layo niya kay bossing vic no? hehe.

    ReplyDelete
  3. I like that word.

    "Hambog."

    Describes him and his ilk to a tee.

    ReplyDelete
  4. @rei: pasensya na, bugso ng damdamin. hehe

    @denggoy: they have their own definition of plagiarism daw kasi eh :)

    @rudeboy: totoo!

    ReplyDelete